Pumunta sa nilalaman

Portada:Agham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Portada   Pahina ng Proyekto
edit
Ang Portada ng Agham

Académie des Sciences

Ang agham o siyensiya ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham na prosesong ito.

Itinatampok na Artikulo

Tamaraw
Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito.

Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa.

Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.

Itinatampok na Larawan

Buwan
Buwan
Kuha ng: User:Lviatour

Ang Buwan ang tanging likas na satelayt ng Daigdig. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong Luna (Latin ng buwan) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "buwan".

Itinatampok na Biyograpiya

Albert Einstein
Si Albert Einstein (Marso 14, 1879Abril 18, 1955) ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentista/siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang pangkalahatang relatibidad. Sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoriyang kwantum at mekaniks na estatistikal. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel sa kanyang paliwanag sa epektong potoelektrika noong 1905.

Si Einstein ay ipinanganak noong Marso 14, 1879 sa lungsod ng Ulm sa Württemberg, Alemanya, mga 100 km silangan ng Stuttgart. Ang kanyang ama ay si Hermman Einstein, isang tagapagtinda at inhinyero at ang kanyang ina ay si Pauline Koch. Noong 1880, ang pamilya ay nagtungo sa Munich at itinatag ng kanyang tiyuhin at ama ang Elektrotechnische Fabrik J. Einstein & Cie, isang kumpanyang gumagawa ng mga elektronikong bagay gamit ang prinsipyo ng diretsong kuryente.

Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoriyang pangkalahatang relatibidad na ang sinag(light rays) ng malalayong bituin ay malilihis ng grabidad ng araw. Ito ay napatunayan noong Nobyembre 7, 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Eklipseng solar na naganap nang taong iyon sa Aprika.

Dahil sa kanyang katalinuhan at orihinalidad, ang salitang "Einstein" ay naging sinonimo ng salitang "henyo".

Alam mo ba...

Kaugnay sa Wikimedia

Purge server cache